no need to argue

sit back, relax. welcome to my humble abode. PEACE LOVE RESPECT. tag and leave a comment :)



one of the boys

[eka] she's your girl next door who loves the existence of cute monsters and the mere concept of vampires that glitter under the sun. she is Allitrya Spelling from Ravenclaw. also, a typical Cancer girl. her heart beats for her only love but is loving in silence. she strives to live life to the fullest even if it slowly turns her down. she needs him. terribly. MORE?

currently:
16 years young
loving in silence
Roll The Credits by Paula DeAnda
Brisngr by Christopher Paolini
Chocolate Ecclair

shoutout:

short but sweet

roll the credits

version: 4.0 touch of polaroids
created by: yours truly
image: photobucket
favicon: drikoti
whose: all mine


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.



Twitter Updates

    follow me on Twitter

    title: LEE MIN HO IS ADDICTION
    written on: Sunday, May 31, 2009 | 9:02 PM











    title: UPDATE NAMAN!
    written on: |

    update naman baybeh!

    Labels:

    title: shoot part 2
    written on: Friday, May 15, 2009 | 3:05 AM

    nakita ko nanaman siya

    title: 05.11.09 whatta starter!
    written on: Tuesday, May 12, 2009 | 7:57 AM

    sabi ko, sana hindi siya ung taong sasaktan ako. hindi siya ung taong paluluhain ako at hindi rin siya ung taong iiyakan ko. sagot niya, "oo ba. wag kang mag-alala. hindi naman dadating ung araw na mamahalin kita eh."


    isang malaking OMG! sobrang hindi ko ma-explain tong araw na to. swell. pfft. ok let's get to that part. it's monday. how do you start your week? mine was so... GRABE. ok.


    gabi pa lang, nanaginip na ako na meron kaming van. yaman no? haha. tapos i woke up at 9:05am. ate eggs and bread. read twilight sa computer. at naligo. at 11, kumain ng lunch. 11:30 ako umalis. biglang sa malapit na mag-quezon hall, may dumaang katipunan jeep kaya pinara ko at sumakay ako. haha. pagpasok ko, tumambad si diego. nga naman ang mga pangyayari no? at nagulat pa ako. dun ako tumabi kina jaja at ina na parehong naka-green.


    eto na. tantantanan na eh. dumating ako ng 10 to 12 sa LSC. swell. ang aga, syempre wala pang tao at wala pang lumalabas na klase. at boom! biglang lumabas ang room 2. pagkita ko, GAB MANAHAN agad. syempre tingin na ako sa kabilang direksyon. pero sina danjo at hector narinig ko.


    danjo: si erika ba yun??
    gab: oo.


    tapos nag-hi sa akin si danjo. edi syempre smile ako. si hector amp talaga eh, kasi tawa nang taw, nakaka-asar. err. pero infairness, di ko un ineexpect. pati ung kanina sa jeep. di ko inaasahang si diego ang sasalubong. winiwish ko na sana may kasabay ako pero hindi naman na sana makita ko siya. tapos sa LSC, di ko talaga INAASAHAN!!! wala talaga sa pagpa-plano ko un. pramis.


    edi review na. rebyu. rebyu. rebyu. pinoy lang subject. nagsabihan ng nicknames kasi tinanong. ako eka ung sinabi ko. si taj, iszy. si felix, butchoy tapos si alud, ding. tapos taas ko dun sa test. 47/50 ako. hehe. inspirasyon kumbaga. waha joke lang. nalaman ko ung mga nicknames ng mga kaklase ko. ung gwapong basketbolista, donito ata ung pangalan. may hawig talaga siya kay keb. tapos roelle ung cute na chinito na palagi kaming nagkakatinginan. tapos si B! naman, dowi pangalan. rizza, ung girlfriend niya. princess ung isa nilang friend. bell ung gusto kong maging kaibigan. earl ung naging friend ni taj at enzo ung la salle-istang bespren ni max. waha. ang kulit ng mga pangalan nila.


    tapos, tapos na ang rebyu classes. dertso kami sa jollibee. ako ung nauuna tas dere-deretso lang kami. napansin kong puro "gab" ang bukambibig nila pati na ang "tita" at "mommy". ako naman si wala lang. shet. un pala andun na agad sila sa jollibee. hehe. kumaway ung si tita vivien. syempre kaway naman ako pabalik at nakita kong mejo nagsmile si gab. argh. ang gwapo. shet shet. ewan ko ba talaga. whew. at syempre nahihiya ako ng bonggang bongga. pinsan pala niya ung isa naming classmate sa review. sabi na nga ba eh. balisi kasi ung apelyido niya.


    basta ang masasabi ko. ang gwapo niya, at dun ko nalaman ng bonggang bongga... na... mahal na mahal ko parin siya. hindi un nawala.


    sobrang ganda tuloy ng monday ko. sana magtuloy-tuloy :)


    Listening to: Halo by Beyonce

    Labels: , ,

    title: shoot!
    written on: Wednesday, May 6, 2009 | 2:35 AM

    yeah. shoot! ngayon ko lang nalaman na LSC din pala siya pero pang-umaga lang. err. sana naman naabutan ko siya no. swell. more to come pag nagkaroon ng time. bye for now :)

    Labels: ,

    title: 05.04.09 the 22nd monthsary
    written on: Tuesday, May 5, 2009 | 2:24 AM

    wag kang iiyak kahit mahalata mong masaya siya sa piling ng iba. ni ang malungkot, iwasan mo. malay mo, hinihiling din niyang maging happy ka kahit na alam niyang hindi na puwede kasi wala na siya.


    may 4th. the 22nd monthsary. hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. gabi palang, di na ako makatulog. iniisip ko kung ano kaya kung i-greet niya ako? paggicing ko ng umaga, naalala kong may 4 na. baka i-greet niya ako pero i did not keeping my hopes up. hindi nga ako umasa eh. pero andun pa rin ung longing na sana, nakausap ko man lang siya bilang kaibigan.


    bilang kaibigan? hindi naman ibig-sabihin nito, wala na akong nararamdaman sa kaniya. ibig-sabihin ko, gusto kong magkalapit uli kami. nang walang galit sa isa't isa. naisip ko nga kung sinusulatan ba niya ung journal namin eh. si baby biel kasi, nasa akin pa. although ung necklace, nasira na. anyway, baka galit siya sa akin kasi nakipaghiwalay ako. at baka hindi na nga humantong sa pagkakaibigan. pfft. drama.


    siguro sometime, sa future, maging better kaming tao. mas mamahalin namin ung isa't isa -- if ever hindi mawala ung pakiramdam na yun -- para maging kami ang para sa isa't isa. our love will be enough to make us "the one". kasi siya pa rin ang mahal ko at di naman niya un maaalis sa akin. hindi na nga lang katulad ng dati na umiiyak ako at nahihirapan. ngayon, masaya na ako para sa kaniya. masaya na akong masaya siya. namimiss ko siya pero hindi na ako nagpapadala dun. hindi na puwede. kahit naman gusto ko siyang kausapin, huli na ang lahat.


    sa isang buwan [or more], hindi niya ako tinext. hindi niya ginustong bumalik ako. hindi siya katulad ko na nagmamaka-awang balikan niya ako. sauce. syempre umasa ako dati na sana gawin niya un. pero hindi eh. feeling ko, hindi naman talaga niya un gagawin. our ways are parted naman na kasi. magkaiba kami ng electives at 2nd sem ang media center niya. hindi naman siguro kami magkaklase.


    bukas, may 5th. 1 month since i broke up with him. samantalang dati, ang sinusulat ko ay, ___ month/s since he broke up with me. nagulat akong kaya ko pala to. kaya ko pala ung kaya niya. ang pinagkaiba lang kasi, hindi ko siya nakikita kaya hindi nagtitrigger ung mga luha at ung sakit. mas mahirap pa ring ung pakikipaghiwalay na ginawa niya. i wonder if pag nakita ko siya, lumabas lahat ng emosyon. i wonder kung masasaktan akong masaya siya kasama ng iba.


    anyway, magsa-start na review ko sa LSC bukas. 1-5pm ako. kinakabahan? hmmm. hindi naman. nakakabaliw lang kung apat na oras kang magtetest sa isang klase.


    Listening to: One Word by Elliott Yamin

    Labels: