no need to argue

sit back, relax. welcome to my humble abode. PEACE LOVE RESPECT. tag and leave a comment :)



one of the boys

[eka] she's your girl next door who loves the existence of cute monsters and the mere concept of vampires that glitter under the sun. she is Allitrya Spelling from Ravenclaw. also, a typical Cancer girl. her heart beats for her only love but is loving in silence. she strives to live life to the fullest even if it slowly turns her down. she needs him. terribly. MORE?

currently:
16 years young
loving in silence
Roll The Credits by Paula DeAnda
Brisngr by Christopher Paolini
Chocolate Ecclair

shoutout:

short but sweet

roll the credits

version: 4.0 touch of polaroids
created by: yours truly
image: photobucket
favicon: drikoti
whose: all mine


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.



Twitter Updates

    follow me on Twitter

    title: 7 things
    written on: Sunday, September 20, 2009 | 5:38 AM

    "there comes a point in our lives when the heart grows tired. it grows numb from hate, it stops beating for love, it runs out of compassion, it doesn't soften from pain, not because of insensitivity but because it simply wants to move on. and live an uncomplicated life."


    Eh, Eh (Nothing Else I Can Say) by Lady Gaga


    the 7 things i HATE about you [random]

    1. hindi mo ako nirereplayan kahit anong pagmamakaawa ung ginagawa ko. sobrang hirap kapag ganoon ung kalagayan. desperado ka na. nagmamakaawa ka pa. ginagawa mo lahat para makapag-usap kayo. pero kahit isang reply, wala kang matatanggap.

    2. puwede kang magselos, pero ako, hindi. kapag nagseselos ako, ikaw pa ung galit. ikaw pa ung naka-kunot ung noo. bawal din ba akong makaramdam ng selos? hindi mo ako nilalambing. mayroon akong sariling dahilan. nakikita ng dalawang mata ko. mayroon akong karapatang magselos.

    3. hindi mo ako hinahayaang mag-explain. magpapaliwanag ako kahit anong mangyari. gusto kong magka-ayos tayo. inuunahan mo ako. sana naman pinakikinggan at iniintindi mo din ung panig ko. compromise. inaamin ko naman kapag mali talaga ako, pero kapag hindi talaga tama at walang katotohanan lahat ng ina-assume mo, hindi talaga ako titigil hangga't hindi ko naipaparinig ung opinyon ko.

    4. nakakatakot ka tumingin. jusmiyo, parang matutunaw ako. para kang si cyclops kung makatingin. kulang nalang i-laser beam mo ako.

    5. minsan, hindi mo ako sineseryoso. hindi lahat ng bagay nadadaan sa joke time at tawa. merong mga bagay na dapat at kailangang seryosohin. merong mga bagay na kailangang pag-isipan at bigyan ng atensyon.

    6. pinaparamdam mo saking hindi mo ako kailangan. nakakabadtrip to. naiisip ko tuloy hindi mo na kailangan ng isang eka sa buhay mo. tapos pag tinanong kita, sasabihin mo otherwise. nakakalito. iba kasi sa pakiramdam, iba kasi ung gusto mong iparating. minsan, hindi ko alam kung anong dapat kong paniwalaan.

    7. hindi ako makapag-move on. hindi mo naman to kasalanan. kung tutuusin, kasalanan ko to. damn. bat ba kasi di ako makapag-move on sayo. masyado akong naniwalang ako na ang babae para sa'yo. masyado akong in-love sayo. sana lang, ikaw din...


    the 7 things i LOVE about you [random]

    1. napapabuti mo ung pakiramdam ko pagkatapos ng awayan natin. pagkatapos ng kahit ano mang awayan o tampuhan... napapabuti mo parin ung pakiramdam ko. di ko talaga alam kung paano mo un ginagawa e. ginagayuma mo ko no?

    2. ikaw ang nagbibigay buhay sa akin. dahil sa mga pagpapatawa mo, sa mga banat mo, sa mga pa-epek mo... nagiging makulay ang buhay ko. kahit anong joke pa yan, mapapatawa mo ako.

    3. sobrang sweet mo. jusko pag sinumpong ka nga naman o. tinatadtad mo ako ng kiss at hug. hug ung pinakagusto ko kasi para kang bear. ang lambot mo.

    4. alaga ako sayo. dati, hatid sundo mo pa ako. patay ako sayo pag di ako kumaen. pag may sakit ako, yayakapin mo pa ako. hindi mo hinahayaang maulanan ako. ramdam kong safe ako kapag kasama kita.

    5. ikaw lang ang lalaking nakakaintindi sa akin. self-explained.

    6. ang bait at ang gwapo mo. ang ganda ng mata. ang haba ng eyelashes. ang ganda ng lips. macho pa! at sobrang bait... wala na akong mahihiling pa.

    7. mahal kita at mahal mo ako. kahit kelan, hindi ka mawawala dito sa puso ko. puwedeng sabihin ko minsan na sumusuko na ako pero kahit kailan hindi. puwede kong sabihin minsan na magmomove on na ako, pero kahit kelan hindi. may promise ako sa'yo eh. ikaw lang ang minahal ko, ang minamahal ko at ang mamahalin ko... hanggang sa matapos ang forever. hindi na un mabe-break. un ung promise na proud na proud ako kasi hindi ko pa un nabebreak kahit kelan. forever akong mine. i lobe you mahal.


    sana mabasa niya to.

    Labels: , ,